SA ISANG BUONG ARAW KONG PAGIISIP.. AKING NAISIP ANG TUNGKOL SA...
"Honour Killings"
...sa Palestine, common to. AT GRABE TO! Habang nanonood ako ng news sa cable, napadaan ako sa Fox ata o BBC, basta nakalimutan ko. At nakita ko nga ang tila "weird" na gawain na yun. Kasama na sa kultura ng mga taga Palestine na patayin yung mga teenagers o mga babaeng hindi pa kasal pero buntis o nanganak na.... as in PINAPATAY NILA yung parents nila mismo. Swear! Noonng ininterbyu ng reporter yung family nung isang girl, sabi nila, "kasalanan niya! dapat lang xang mamatay!", pero ndi nila sinasabi kung sino nga bang pumatay sa kanya. Basta mukhang masaya sila't pinatay nila yung anak nila kasama yung unborn baby. Tapos, may tinanungan silang nanay na may anak din na teen...
FOX/BBC REP: "What if your daughter would do the same thing (get pregnant w/o marrying or marriage)
WOMAN: "Of course, I'LL KILL HER! And betrayal is a crime..."
Ganon ka-casual yung sagot! Imagine this "way of living" applied dito saten. Napakaraming unscrupulous young women dito na buntis na at may anak na... edi UBOS SILA? Buti na lang, ang mga magulang natin hindi ganon, at hindi ganon ang nakasanayan ng mga Pinoy. Pero nakakalungkot kase may nangyayari palang ganto sa mundo, kahit sa isang parte ng mundo lang.... pwede kaya tong ipahinto? Yun din yung tanong nung reporter. Sana lang... pero matigas yung mga tao... HINDI DAW. Ang sama.
============================//
PROBLEMADO SA LOCAL BOARD AT CGFNS
Kanina hindi nanaman ako nakapasok! (tulad kahapon) tinanghali nanaman ako ng gising. As in TANGHALI. Pero umabot pa ko sa NCLEX review namin kase may exam kme dun. Anghirap pala! Sabi ko sa sarili ko dito na lang ako sa Pinas, mukhang di ako papasa... kahit nga ata sa local board di ako papasa! Pakiramdam ko, napakarami ko pang dapat alamin sa nursing. Napakadami ng opportunities, pero sobrang tight naman ng competition. Sana, pag dumating sa point na nagte-take na ko ng local board, or CGFNS, confident na ko na makakapasa ako... nakakatakot kapag may "doubt" ka sa sarili mo.
============================//
PAGBABAGONG TAO.. PAGBABAGONG BUHAY
Nakapasa naman ako sa lahat ng exams... ah mali pala. Pedia pa pala at Psyche... at may special exam pa kami sa MS2. Kaya ko kaya??? Shocks! Bakit parang anghina ng loob ko ngayon? Ah basta! Kelangang pag-igihan ko! At ayoko ng pasado lang, gusto ko MATAAS... jusko naman, 4th year na ko... kelangan ko talagang magpursige. Ngayong finals, babaguhin ko nang daily routine ko, gagawin ko ulit yung dati (kung san nakakaperfect ako ng quizzes at nagiging highest ako sa exams) para makahabol ako sa mga hindi ko pa alam at tumaas pa ang grades ko... at marami na kong alam sa board exam...:D
============================//
Naturo ko to sa nabilli kong "Message of The Day" sa Papemelroti....
"You can, if you think you can..."
OO TAMA! KAYA KO! :D
============================//
NAIKUMPARA KO...
Habang nasa classroom tumitingin ako sa ilang mga classmates ko. Pinapakiramadaman ko sila sa performance nila sa school. Una, si Ate Inciong, Kuya Mon, Glendalyn and Jane... ang gagaling nila, puro angtataas ng grades sa exams. Tinanong ko sarili ko kung ganon din ako kagaling katulad nila, siguro wala akong poproblemahin after ng graduation ko. Pano kaya yung style nila sa pag-aaral? Ang problema kase saken "batugan" ako, sobra. Mabagal kumilos, T-A-M-A-D. Pero sabi ko rin sa sarili ko, kung kaya ko dati... MAS MATATAASAN KO PA SILA! Ang yabang ko.. pero kelangan kong lakasan loob ko.. kung hindi, walang mangyayari. Tama? Pagkatapos sa kanila, tumingin naman ako sa iba kong mga kaklase, yung mga mahihina... hindi naman sa nanlalait ako.. gusto ko lang i-reconstruct sarili ko... tinitingnan ko sila na parang tinitingnan ko rin sarili ko. Ganyan ba ko na-ignorante? Parang ang nakikita ko sa kanila, puro sila text, puro sila pa-cute, puro daldalan... hindi man lang nila narerealize na sayang ang perang ginagastos ng parents nila para sa tuition fees nila. Yung iba naman, nag-aaral... nagaaral ba talaga? O nagaaral-aralan (para lang masabing nag-rereview sila). Minsan ganyan ako lalo na pag inatake ng katamaran, pero nakakatakot bumagsak kaya kahit papano kelangan kong basahin at isapuso yung binabasa ko... Ngayon alam ko na, kahit papaano, may kasipagan din pala ako. Masamang magkumpara pero lumuwag na loob ko.. at tulad sa taas.. sabi ko.. :"Kaya ko..". Period.
=============================//
DESPERADO SA PAGPAPAYAT!
Ahaha... gusto kong pumayat! Dambuhala na kooooooooooooooooooooooooow! Masikip na uniforms ko! Ang pangit kse lagi akong FEELING BLOATED! May binili nga pala si mama, yung Quaker Oats na nakakababa ng cholesterol. Subukan ko kaya? Ituloy ko ba yung pag-gamit ko ng Cancunis? Itanong ko kaya ke mark kung gusto ma nia mag-GYM o mag-exercise tuwing umaga (tuwing umaga, tuwing umaga... mageksersays tayo tuwing umaga..), kaso mukhang wala ata akong oras. Desperado na ko, kapag mabigat ka pala parang ang hirap kumilos, kaya ako T-A-M-A-D! Madali akong mapagod... madali pang pagpawisan! HEHE...








